Pic

CIDG inaresto rapper, kasamahan dahil sa gunrunning sa Malabon

Alfred Dalizon May 14, 2025
20 Views

ISANG rapper na may malaking following sa social media at ang kanyang kasama ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa umano’y pagkakasangkot sa gun trafficking sa Malabon City, ayon kay PNP-CIDG Director Major Gen. Nicolas D. Torre III nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga naaresto na sina “Rovi” na kilala rin bilang “Slick One” at ang kanyang kasama na may alyas na “Mark,” na nakuhanan ng isang caliber .38 revolver sa isang entrapment operation sa Paradise Village, Barangay Tonsuya, Malabon City, noong Biyernes ng nakaraang linggo.

Ayon kay Torre, naaresto ang dalawa ng mga miyembro ng CIDG Northern District Field Unit matapos ang serye ng undercover operations.

Itinuturing umano silang mga miyembro ng bagong tuklas na “Laguna Criminal Group” na sangkot sa gunrunning activities sa may Camanava.

Si “Slick One” ay kilala bilang isang singer, rapper at composer ng lokal na grupo na “Breezy Boys” at kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP-CIDG dahil sa paggamit umano ng kanyang trabaho bilang Lalamove delivery driver bilang “front” para sa kanyang ilegal na gunrunning activities.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013, at sa Omnibus Election Code, partikular ang Comelec-imposed gun ban.

“Let us also investigate further the modus operandi of these Lalamove delivery drivers. Like these two arrested suspects, some drivers are taking advantage of their delivery job, it became a vehicle of contrabands and illegal items. It has opened a big opportunity for crime, it’s alarming and must be stopped immediately,” ani Torre.