Payatas Source: QCPD PIO

Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas

25 Views

ISANG bangkay ng babae ang tumambad sa mga basurero habang nagkakalkal sa bundok ng basura sa Payatas sa Quezon City nitong Miyekules ng umaga,

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 8:00 ng umaga nitong Miyekules (May 14), nang madiskubre ang bangkay sa kanto ng Beatriz at San Lorenzo Sts., Brgy. Payatas A, Quezon City.

Ang biktima ay nakasuot ng tatlo hanggang limang layer na damit, walang suot na underwear, may taas na 5’1-5’2, at silver ring sa gitna ng left finger

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Angel T Pascasio III, nangongolekta ng basura ang dalawang mangangalakal nang mapansin nila ang kamay at paa ng isang tao na nakausli sa isa sa mga sako.

Dahil dito, agad nilang inireport sa awtoridad ang insidente para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Sa pagsusuri ng SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Cpt. Darrel Ebol, nasa stage na ng decomposition ang bangkay ng biktima.

Nagasasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang ikinamatay ng biktima.