Termite Source: File photo ng Aklan Police Provincial Office

Termite Gang nilooban sanglaan sa QC, P3.7M pera,alahas nilimas

21 Views

NALIMAS ang aabot sa P3.7 milyong halaga ng mga alahas at pera sa sanglaan sa Quezon City ng pasukin ng tinaguriang ‘Termite Gang’ noong Martes.

Sa imbestigasyon, naghukay ng butas ang mga suspek patungo sa isang pawnshop sa kanto ng Quirino Highway at Susana St., sa Brgy. Gulod.

Nadiskubre ang pagnanakaw ng mga empleyado ng pawnshop dakong alas-4:46 ng umaga at iniulat sa Novaliches police station dakong alas-6:35 ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, lumabas ang mga suspek mula sa ginawa nilang butas sa loob ng pawnshop.

Pagkapasok sa loob, pinakialaman ang surveillance system at hindi pinagana ang alarma para maitago ang pagnanakaw.

Sapilitang binuksan ng mga kawatan ang isang vault gamit ang acetylene torch at nilimas ang mga alahas na nagkakahalaga ng P3.5 milyon at P200,000 na cash.

Sinabi ng pulisya na hinukay ng mga suspek ang butas mula sa malapit na drainage manhole.