PRO4A

Suspek na tulak nasakote sa P408K na droga

18 Views
KAMPO BRIG. HENERAL VICENTE LIM — Arestado ang suspek na tulak ng ipinagbabawal na gamot na may pag-iingat na P408,000 na halaga ng shabu sa buy-bust ng City Drug Enforcement Team at Philippine Drug Enforcement Unit noong May 15 sa Sitio Padilla, Brgy. San Luis, Antipolo City.
Naaresto ang suspek a si alyas Jimboy, 32, matapos magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur-buyer.
Nakumpiska sa kanya ang 60 gramo ng hinihinalang shabu, paper bag at buy-bust money.
“Ang pagkakadakip sa naturang suspek bahagi ng tuluy-tuloy na operasyon ng inyong kapulisan bilang tugon sa ating adhikaing wakasan ang paglaganap ng ilegal na droga,” sabi ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng PNP Region 4A.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang suspek.