Cavite Iprinoklama ni Cavite Provincial Election Supervisor Atty. Mico Morales-Castro at Cavite Provincial Board of Canvassers si Governor-elect Abeng Remulla sa lumang capitol grounds sa Trece Martires City noong Mayo 13.

Nanalo sa halalan sa Cavite ready for work na

Dennis Abrina May 17, 2025
22 Views

Cavite TRECE MARTIRES CITY, CAVITE–Manunumpa na para sa bagong termino sina governor-elect Abeng Remulla at Vice Governor-elect Ram Remulla matapos manalo noong Mayo 12.

Tinalo ni Remulla ang kanyang tatlong karibal habang ang isa pang Remulla walang kalaban kaya automatic na nanalo.

“Excited kami kung ano ang magagawa namin sa opisina. We were aiming for more inclusive and progressive Cavite. Sana sa susunod na tatlong taon magawa namin,” sabi ng mga Remulla.

Nanalo sa ikalawang termino bilang kongresista sa pitong distrito ng Cavite sina Cong. Jolo Revilla, 1st District; Congw Lani Revilla ng 2nd District, Cong Adrian Jay Advincula ng 3rd District, Cong Roy Loyola ng 5th District, Cong Antonio Ferrer ng 6th District, Cong Ping Remulla ng 7th District at Congw Aniela Tolentino ng 8th District.

May bagong Congressman ang Dasmariñas City sa katauhan ni Kiko Barzaga.

Nanalo si Barzaga ng National Unity Party (NUP) laban kay Jesse Fauni.

Nabakante ang Dasmariñas congressional seat ng mamatay si Elpido Barzaga noong Abril 27, 2024.

Nanalo para sa Sangguniang Panlalawigan sina Romel Enriquez at Jygs Gandia kasama sina 2nd District BM Edwin Malvar at Alde Pagulayan ng Bacoor City; Lloyd Jaro at Ony Cantimbuhan ng 3rd District; Nickol Austria at Jun Dela Cuesta ng Dasmariñas City; Aidel Belamide at Ivee Reyes ng 5th District; Aldrin Anacan at Camille Del Rosario ng 7th District at Jasmin Maligaya at Aimee Nazareno ng 8th District, Cavite.

Magsimula ang termino ng mga nanalo sa Hunyo 30, 2025.