Dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares Dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares

Pagpapa-disqualify ng Duterte camp sa ICC judges desperadong hakbang laban sa hustisya — Bayan Muna

23 Views

ISANG desperadong hakbang laban sa hustisya ang pagtatangka ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipadiskuwalipika ang dalawang hukom ng International Criminal Court (ICC), ayon kay dating Bayan Muna party-list congressman at human rights lawyer Neri Colmenares.

“The Duterte camp is simply recycling their failed arguments with a new twist—now they want to disqualify the judges who already ruled against them. This is a classic tactic of the guilty: when you can’t challenge the evidence, attack the court,” ani Colmenares.

Iginiit niya na ang 11-pahinang mosyon ng kampo ni Duterte upang ipa-disqualify sina Pre-Trial Chamber 1 Judges Rene Adelaide Alapini-Gansou at Maria del Socorro Flores Liera ay malinaw na nagpapakita na mahina ang kanilang depensa kaya ang pinupuntirya ay ang mga humahawak ng kaso.

“They’re essentially saying that judges who have studied the case and made informed decisions based on international law should be removed simply because those decisions weren’t favorable to Duterte. This undermines the entire judicial process,” paliwanag ni Colmenares.

“Paulit-ulit lang ang argumento ng kampo ni Duterte. Noong hindi pumayag ang mga hukom na kusang mag-inhibit, ngayon gusto naman nilang i-disqualify ang mga ito. Malinaw na wala na silang maisip na paraan para ipagtanggol si Duterte kaya ang mga hukom na ang inaatake nila,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Binigyang-diin ni Colmenares na ang mga proseso ng ICC ay nakabatay sa due process at pagiging patas, at ang dating partisipasyon ng mga hukom sa mga unang desisyong may kinalaman sa hurisdiksyon ay hindi nangangahulugan ng pagkiling o bias.

“The Rome Statute’s procedural safeguards are designed precisely to allow judges to make sequential decisions in complex cases. What the Duterte camp is doing is forum-shopping—trying to find judges who might be more sympathetic to their weak arguments on jurisdiction,” saad pa niya.

“Ang katotohanan, natatakot sila na maharap sa hustisya si Duterte. Itong panibagong taktika ay pagpapatunay lamang na wala silang matibay na depensa sa mga akusasyon ng pagpatay at krimen laban sa sangkatauhan,” giit ni Colmenares.

Binanggit din ng dating mambabatas na hindi makatwiran ang argumento ng depensa na dapat i-disqualify ang mga hukom dahil umano’y may “matibay na opinyon” sila tungkol sa hurisdiksiyon, lalo na sa konteksto ng mga kasong kriminal sa pandaigdigang korte.

“By that logic, no judge who has ever ruled on a preliminary matter could continue to hear a case. This would paralyze the entire international justice system,” ani Colmenares. “The Duterte camp is not interested in a fair trial—they’re interested in avoiding a trial altogether.”

“Hindi nila kayang harapin ang katotohanan kaya gumagawa na lang sila ng mga dahilan para maantala ang proseso. Pero tulad ng sinabi ko noon, hindi maitatago ang mga krimen ni Duterte sa likod ng mga teknikalidad at procedural tactics,” ayon pa kay Colmenares.

Nanawagan si Colmenares sa sambayanang Pilipino at sa international community na manatiling mapagmatyag laban sa mga taktikang nagpapabagal sa proseso ng hustisya at ipagpatuloy ang suporta sa pagsusulong ng katarungan para sa libu-libong biktima ng madugong giyera kontra droga ni Duterte.