Calendar

Mayor-elect Isko: I will do my best
AMINADO si Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso na bagama’t nasasabik na siyang bumalik bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila,
nakikita niya na isang hamon itong muli sa kanya lalu na’t anim na linggo na lamang o sa Hunyo 30 ay manunungkulan na siya.
“I know its gonna be challenging because I know its like doing it again. Pero sa aking mga kababayan, pumanatag kayo, I will do my best,” pagtiyak ng alkalde.
Umaasa rin si Domagoso na magiging maayos at walang magiging problema ang paglilipat ng kapangyarihan dahil ito naman aniya ang normal na nangyayari upang makapag-move na ang lahat.
“This is not about us anymore, it’s about the people of Manila. Una nga, ang hiling ko lang manalo, eh binigyan niyo pa ako ng napakaraming boto, now we have to prove ourselves,” dagdag pa ni Yorme Isko.
Wala rin aniyang problema sa kanila ng kanyang bise alkalde na si Chi Atienza na kausapin at makipagbati na sa kanilang mga nakatunggali sa halalan dahil hindi lang naman aniya ito unang beses na ginawa niya ang pakikipag-usap ng maayos sa mga naging katunggali sa pulitika.
“Nagawa ko na yan ke Erap, kay Mayor Lim. Humingi pa nga ako ng payo noon kay Mayor Lim kung paano mareresolba ang peace and order sa Maynila, humingi ako ng tip at tinugunan naman niya na ito,” sabi pa ni Yorme Isko.
Sinabi niya na anumang oras ay handa siyang makipag-ayos sa mga nakalaban sa pulitika. “Alam nyo, marami na rin akong nagawang pagkakamali sa buhay kao, maraming stumbling blocks, but at the end of the day, I thime we should continue to value, pagpapahalaga sa nakaraan at lalu na ang pagpapahalaga sa kinabukasan,” paliwanag niya.
Maging si Vice Mayor-elect Chi Atienza ay umaasa rin na magiging smooth ang transition nila ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto kaya wala siyang nakikitang problema sa pagsisimula ng bagong kabanata sa kanyang buhay.