Tindera Source: File photo

2 nagbebenta ng karne huli sa nenok ng P50K cellphone

Christian Supnad May 23, 2025
59 Views

SAN JUAN, Ilocos Sur–Dalawang babaeng tindera ng karne ang nahuli noong Huwebes dahil sa pagnanakaw ng cellphone na nagkakahalaga ng P50,000 sa meatshop sa bayang ito.

Ayon kay Major Benjamin Raquedan, chief of police, bunga ng reklamo ng estudyante na nanakawan ng Samsung Galaxy S22 Plus, na may halagang P50,000, ang pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Napag-alaman na may nagdahilan na may nakita siyang cellphone pero lumabas sa imbestigasyon na ang taong iyon ang tumanggap ng cellphone mula sa dalawang suspek.