Mga gagamitin sa eleksyon sinimulan ng ipadala ng Comelec

539 Views

INANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsisimula ng pagpapadala ng mga gagamitin sa May 9 local at national elections.

Sa inilabas na advisory ngayong Huwebes, sinabi ng Comelec na unang ipinadala ang mga external battery para sa mga vote counting machine (VCM) at mga ballot box.

Ang pagpapadala ng mga external battery ng VCM mula sa warehouse nito sa Sta. Rosa, Laguna papunta sa mga local hub ay tatagal umano hanggang Marso 31.

Ang pagpapadala naman ng mga balota ay tatagal hanggang Abril 10.

“Non-accountable forms and supplies are the next to be deployed on 16 February from the COMELEC warehouse in Quezon City to the provincial and city treasurers in priority areas,” sabi sa advisory ng Comelec.

Ang mga VCM, consolidation and canvassing system (CCS) machines at transmission equipment ay ipadadala naman mula Abril 2 hanggang 19.

Ang mga opisyal na balota na gagamitin sa halalan at mga indelible ink ay ipadadala naman sa mga city at municipal treasurer mula Abril 20 hanggang Mayo 5.Ni LEE ANN DUCUSIN