Lapid

Re-elected Sen. Lito Lapid opisyal nang nanumpa

32 Views

OPISYAL nang nanumpa si re-elected Senator Lito Lapid sa kanyang bagong mandato sa Senado sa isang simpleng seremonya sa Porac, Pampanga nitong Sabado.

Kasama ang kanyang pamilya, nanumpa si Sen. Lapid sa harap ng kanyang kapatid na si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion, Porac, Pampanga.

Ito na ang ika-apat na termino ni Lapid sa senado simula noong 2004.

Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13-milyong botanteng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng bagong mandato.

Nangako si Lapid na isusulong ang mga panukalang batas na makatutulong sa mga mahihirap na mamamayan.

“Sa ating mga kababayan na tumulong sa akin at sumuporta, maraming salamat lo. Dahil sa patuloy nila akong minamahal ay papalitan ko rin po ito ng pagmamahal at malinis na pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Gagawa at gagawa ako ng mabuting paraan upang mapagserbisyuhan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap. Maraming maraming salamat po sa suporta at pagmamahal nyo,” ayon pa kay Lapid

Si Lapid ang ama ng Free Legal Assistance Act of 2010(Republic Act No. 9999) o ang tinaguriang Lapid law na magagamit ng mahihirap na agrabyado sa batas.