2 lalaki nakitang dedo sa condo
Apr 20, 2026
Calendar
Katabi ni Gapan City Mayor Joy Pascual (kaliwa) ang tinaguriang “oldest tuli man” na tumanggap ng P30,000 matapos magpatuli sa edad na 47-anyos.
Provincial
P30,000 binigay sa pinakamatandang nagpatuli sa Gapan
Steve A. Gosuico
May 31, 2025
432
Views
GAPAN CITY–Tumanggap ng P30,000 ang 47-anyos na lalaki matapos tanghaling pinakamatandang nagpatuli sa “Operation Libreng Tuli para sa Batang Gapan” ni Mayor Joy Pascual noong Biyernes.
Mahigit isang libo katao ang nakiisa sa libreng tuli na idinaos sa District IV congressional office ni Rep. Emerson Pascual mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
“May kasamang libreng movie, libreng hotdog, libreng sago at gulaman, libreng photo booth, pati ice cream at libreng popcorn dito sa ating libreng patuli,” sabi ni Mayor Pascual.
Personal na ibinigay ni Pascual ang P30,000 na premyo sa 47-anyos na nagwagi na umamin na mayroon siyang walong anak mula sa una at pangalawang live-in partner.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026

