PHIVOLCS

Halos 3K tons ng sulfur ibinuga ng Kanlaon

43 Views

UMABOT sa 2,842 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Biyernes.

Mas mataas ang sulfur na ibinuga ng bulkan kamakailan kumpara sa dating record na 1,756 tonelada.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 26 volcanic earthquakes na mas mataas kaysa sa anim na naitala kailan lang.

Nananatiling napalaki ang edipisyo ng bulkan dahil nagbunga ito ng katamtamang 400 metrong taas na plumes na dinala sa timog-kanluran.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Kanlaon na nagpapahiwatig na patuloy ang pag-alboroto at posibleng pagsabog.

Pinaalalahanan ang publiko sa mga potensyal na panganib sa bulkan, kabilang ang lava flows o effusions ashfall pyroclastic density currents rockfalls lahars sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Inirerekomenda rin ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente sa loob ng anim na kilometrong radius ng Kanlaon.

Ipinagbabawal din ang paglipad ng lahat ng eroplano malapit sa bulkan.