Malinao

Batangas cops naglunsad ng Oplan Firewall

18 Views

CAMP GEN. MIGUEL C. Malvar, Batangas City–Inilunsad ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa pamumuno ni P/Col. Jacinto Malinao Jr., BPPO acting provincial director, ang Oplan Firewall, isang inisyatibong naglalayong panatilihin ang kapayapaan, kaayusan at tiwala ng publiko sa mga pulis.

Sa ilalim ng Oplan Firewall, idedeploy sa iba’t-ibang lugar ang mga pulis upang magbigay ng police assistance, mabilis na pagresponde at mga beat patrol.

Nanawagan si P/Col. Malinao ng patuloy na suporta at pakikiisa sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas ligtas na komunidad.

“Makakaasa po kayo na sa pinalawak na police visibility ng Batangueñong pulis.

Patuloy po nating panatilihing ligtas at tahimik ang ating lalawigan.

Sama-sama po tayong magtulungan upang ang adhikain ng ating mahal na Pangulong Marcos na gawing ligtas ang ating pamayanan ay makamtan,” sabi ni P/Col. Malinao.