Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
Pagasa: 19 bagyo papasok sa PH
Melnie Ragasa Jimena
Jun 7, 2025
499
Views
AABOT sa 19 na bagyo ang papasok sa bansa simula Hunyo hanggang Nobyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa inilabas na Monthly Tropical Forecast ng PAGASA, ngayong Hunyo isa hanggang dalawang bagyo ang papasok, habang 2 hanggang 3 sa Hulyo at Agosto.
Tig-dalawa hanggang 4 ang papasok sa Setyembre at Oktubre at 2 hanggang 3 sa Nobyembre.
Pero ayon sa Pagasa, wala pa namang aktibong bagyo ang namamataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Para sa unang linggo ng forecast period may inaasahan na Tropical Cyclone-like vortex na mabubuo sa Philippine Sea.
Mababa ang tiyansa na mabuo ito bilang isang bagyo, ayon sa Pagasa.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

