Calendar

Killer ng babaeng negosyante sa Bulacan hinahanting
BINARIL hanggang sa mapatay ang babaeng negosyante noong Sabado sa kanyang bahay sa Brgy. Sabang, Baliuag City, Bulacan.
Nakilala ang biktima na si Yolanda Caballero, 73, may-ari ng Yuni Trading at residente ng Mabini St., Brgy. Sabang, Baliuag City.
Ayon sa report, pinagbabaril ang biktima ng lalaking nakasuot ng kupas na pantalon, asul na hoodie jacket at puting ball cap na sakay ng motorsiklo na nagpapanggap na customer.
Habang gumagala sa compound, biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima ng dalawang beses nang malapitan at tumakas na patungo sa A. Mabini St., Tibag-Poblacion, Baliuag City.
Nag-isyu ng flash alarm ang Baliuag police para sa dragnet operations habang sinusuri ang CCTV footage sa compound para makilala ang gunman.