PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
P347K na shabu nasamsam sa welder
Steve A. Gosuico
Jun 8, 2025
492
Views
CABANATUAN CITY–Timbog ang 30-anyos na welder matapos mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P347,820 sa buy-bust noong Sabado ng hapon.
Ayon kay city police chief Lt. Col. Renato Morales, naaresto ang suspek na si alyas PJ na may pag-iingat na 51.15 na gramo ng shabu sa kanyang bahay bandang alas-2:30 ng hapon.
Dinakip ang suspek matapos maiabot sa kanya ng police poseur-buyer ang P1,000 kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para sa inquest-filing laban sa suspek sa tanggapan ng piskalya sa lungsod na ito.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

