18th anniv

18th anniv ipinagdiwang ng CAAP-Iloilo

Jun I Legaspi Jun 12, 2025
22 Views

IPINAGDIWANG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Iloilo ang ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag nito mula Hunyo 9 hanggang 11 sa Iloilo International Airport.

Sa temang “Pista sa Nayon,” tampok sa pagdiriwang ang kulturang Pilipino at pagtitipon ng mga kawani ng CAAP mula sa Area Center VI, kabilang ang mga kinatawan mula sa mga paliparan ng Roxas, Kalibo, Bacolod, Antique at Caticlan.

Sinabi ni Acting Area Manager Engr. Eusebio Monserate Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa at dedikasyon sa larangan ng civil aviation at kung paanong ang mga ganitong aktibidad ay nagpapalalim sa samahan ng ahensya at sa diwa ng paglilingkod.

Ilan sa mga tampok na aktibidad ang basketball at volleyball, pati na rin ang mga katuwaang paligsahan gaya ng lip-sync battle at pagtatanghal ng live band.