Palayan Photo Caption : Ang Hydraulic Drilling Well Rig na gagawa upang maghukay na patatakbuhin ng Solar Sytem .Gil Aman

Patubig sa palayan magkakaroon ng solar-powered irrigation

Gil Aman Jun 12, 2025
386 Views

PILA, Laguna–May 15 ektarya ng palayan na umaasa lang sa ulan para sa patubig ang magkakaroon na ng sariling patubig sa Brgy. Pinagbayanan, Pila, Laguna.

Magaganap ito sa pamamagitan ng paglalagay ng solar system sa tulong ng National Irrigation Administration (NIA) na maglalagay ng hydraulic well drilling rig upang makakuha ng tubig na isu-suply sa 15 ektaryang palayan.

Magkakatotoo ito sa pakikipagtulungan ni ABC President Luisito Larazo na nakipag-ugnayan kay National Irrigation Administration Regional Director Engr. Roberto De Cruz upang matugunan ang patubig sa palayan.

Ang paghuhukay ng hydraulic well drilling rig ino-operate naman ni Engr. Nesty James Escaner.

Tiniyak ni Larazo na magtutuloy ang pagtatanim ng palay sa lugar dahil sa patubig mula sa solar na magbibigay ng kuryente.

Tiniyak rin ng opisyal ng NIA na magiging maganda ang paglalagay ng solar dahil sa malaki ang matitipid dito.