2 lalaki nakitang dedo sa condo
Apr 20, 2026
Calendar
Provincial
P5M shabu nasabat sa buy-bust sa Zambales
Bernard Galang
Jun 12, 2025
383
Views
NASAMSAM mula sa isang mangingisda noong Huwebes ang mahigit P5 milyong halaga ng shabu sa isang entrapment sa Brgy. Linasin, San Marcelino, Zambales.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Zambales police ang suspek na si alyas Riviera, 46, ng Masinloc, Zambales.
Nagresulta sa pagkumpiska ng mahigit 755 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5.13 milyon ang pagkakaaresto sa suspek.
Nakakulong sa San Marcelino police station ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026
