Calendar
3 suspek na tulak arestado sa P2.3M na shabu
CAMP BGEN Vicente Lim–Tatlong pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa buy-bust ng Batangas City police noong Linggo sa Brgy. Calicanto at Bolbok, Batangas City at nasamsaman ng P2.3 milyong halaga ng shabu.
Unang naaresto si alyas Bebe, 29, dakong alas-6:59 ng gabi sa Brgy. Calicanto at nakuha sa kanya ang tinatayang 100 gramo ng shabu na may kabuuang halaga na P680,400.
Dakong alas-10:47 ng gabi sa Brgy. Bolbok naaresto naman si alyas Jomel, 33; at Jovs, 32, ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit ng Batangas Police Provincial Office at Batangas City police.
Nasamsam mula sa kanila ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 120 gramo na may estimated value na P 816,000 at buy-bust marked money na nagkakahalaga ng P200,000.
Sa kabuuang operasyon, nasamsam mula sa mga suspek ang humigit kumulang na 245 na gramo ng shabu.
Ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) standard valuation, tinatayang nagkakahalaga ng P1.66 milyon ang nasamsam na droga.
Nagpasalamat si Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng Police Regional Office (PRO)-4A sa tagumpay na operasyon kontra ilegal na droga.

