Calendar
Haplos bata nauwi sa haplos selda
NASUKOL ng mga pulis ang 40-anyos na lalaki na ilang ulit ginawan ng kahalayan ang batang babae noong Lunes sa Valenzuela City.
Nagtago ang akusadong si alyas Jomer ng sampahan ng kaso ng mga magulang ng batang ginawan niya ng kahalayan kaya naglabas ng warrant of arrest ang hukuman.
Dakong alas-10:30 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas si alyas Jomer sa Brgy. Maysan.
Inaresto ang suspek sa tulong ng arrest warrant na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Evangeline Mendoza ng Branch 207 para sa dalawang bilang ng kasong sexual assault na may kaugnayan sa paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at isang bilang ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
Ayon kay Valenzuela Public Information Office (PIO) Chief P/Maj. Randy Llanderal, makakalaya lamang pansamantala ang akusado kung makapag-piyansa ng P580,000.

