Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Bingo

Lalaki bumingo kay kamatayan

445 Views

DEDO ang lalaki na binaril habang nagbi-bingo sa Brgy. Caloocan, Talisay, Batangas noong Martes.

Kinilala ang biktima na si alyas Gerald, 36.

Base sa imbestigasyon, nagbi-bingo ang biktima bandang alas-10:10 ng gabi kasama ang kanyang pamilya nang lapitan ng isang hindi kilalang lalaki at tinanong kung pwede siyang imbitahan na kumanta.

Hindi agad nakasagot ang biktima at sa ‘di malamang dahilan biglang bumunot ng baril ang isang suspek at itinutok sa ulo ng biktima at binugahan ng bala.

Tumakas na ang suspek matapos ang pamamaril sakay ng tricycle patungong Laurel, Batangas.