Taas-pasahe malabong pagbigyan—LTFRB

Jun I Legaspi Feb 12, 2022
264 Views

MALABO umanong pagbigyan ang panawagan ng mga operator at driver ng pampasaherong sasakyan na magpatupad ng pagtataas sa pamasahe.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Martin Delgra iniiwasan ng gobyerno na madagdagan ang pasanin ng publiko lalo na ngayong may pandemya.

Ang ginagawa umano ng gobyerno ay tulungan ang mga operator at driver ng pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbibigay ng subsidiya sa mga ito gaya ng Pantawid Pasada program.

Bukod sa limitado ang maaaring isakay at konti ang pasahero, inirereklamo ng mga driver ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kahapon ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag na P1.05 sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.25 kada litro ng kerosene.