Na-overhaul na tren ng MRT-3 43 na

179 Views

UMABOT na sa 43 bagon ng Metro Rail Transit-3 ang natapos nang i-overhaul.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 29 pang light rail vehicles (LRVs) o bagon ang i-o-overhaul ng maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Nasa 17 hanggang 21 tren ang tumatakbo sa mainline ng MRT-3. Ang bawat tren ay mayroong tatlong bagon.

Nananatili sa 70% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 276 na pasahero kada bagon o 827 na pasahero kada train set.