Suspek

Suspek sa murder sa Iloilo natuntong na preso sa Cavite

Edd Reyes Jun 22, 2025
24 Views

NAKAKULONG na, naaresto pa sa likod ng rehas ang 26-anyos na suspek sa pagpatay sa Iloilo noong Biyernes sa Dasmariñas City, Cavite.

Hinuli sa tulong ng warrant of arrest para kasong murder galing kay Iloilo Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Gloria G. Madero ng Branch 29 dakong alas-3:10 ng hapon ang suspek, ayon kay Northern Police District (NPD) acting director P/BGen. Arnold Abad.

Natunton ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD ang akusado sa tip ng kanilang impormante.

Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang kaso ng suspek kaya nakakulong sa Dasmariñas City.

Ayon kay NPD Public Information Office (PIO) head P/Maj. Marcelina Pino, mananatili sa Dasmariñas City jail ang akusado habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglipat sa kanya sa Iloilo provincial jail.