Mansalay

Quake drill ginanap sa Mansalay

27 Views

ISINAGAWA ang 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa palengke ng Mansalay noong Hunyo 19.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Research and Planning Division Chief Ivy Kristine Arano, mahalaga ang ganitong gawain upang makatulong sa mga komunidad sakaling magkaroon ng kalamidad.

Bahagi rin ito ng atas ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor na maging resilient ang mga pamayanan.

Sa simulation drill, saba-sabay na nag duck, cover and hold ang mga lumahok sa gawain.

Isinagawa rin ang iba’t-ibang rescue operations na karaniwang nagaganap sa pagtama ng lindol at ang pagset up ng command post, medical post at iba pang kaugnay na gawain.

Ang pagsasagawa ng mga realistic na senaryo gaya ng rescue operations, fire suppression, at crowd control ay hindi lamang nakatutulong sa pagsasanay ng mga responders kundi nagbibigay rin ng kaalaman sa publiko kung paano kumilos sa panahon ng lindol.

Kabilang sa mga naging responders ang mga personnel ng MDRRMO, Bureau of Fire Protection, Municipal Health Office, Mansalay police, 403rd Regional Mobile Force Battalion at 103rd Special Action Force, 4th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ang ganitong mga aktibidad ay tunay na mahalaga sa pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa harap ng mga sakuna.