BARMM

Eleksyon sa BARMM nakikitang tungo sa kapayapaan

331 Views

BUO at matinding suporta ang ipinahayag ni Senator-elect Kiko Pangilinan para sa unang regular na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 2025.

Binigyang-diin ni Pangilinan na ang eleksyon ay makasaysayang hakbang tungo sa kapayapaan, awtonomiya, at inklusibong kaunlaran. Hinimok din niya ang BTA (Bangsamoro Transition Authority), COMELEC, civil society, at pambansang pamahalaan na magtulungan para sa isang malinis at patas na halalan na siyang dapat aniyang manaig para sa katahimikan at kaunlaran.

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng kapayapaan at seguridad sa pagkain sa Mindanao, ipinahayag niya ang pakikiisa sa mga Bangsamoro.

“Walang kulay ang kapayapaan. Walang rehiyon ang demokrasya. Sama-sama nating palakasin ang BARMM para sa mas matatag na Pilipinas,” aniya.

Ang halalan sa Oktubre ay unang gagawin sa ilalim ng parliamentary system ng BARMM, isang mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng kasunduang pangkapayapaan.