Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Magkapatid itinawid tricycle sa ilog, nalunod
Bernard Galang
Jun 27, 2025
569
Views
NALUNOD ang magkapatid na lalaki noong Huwebes sa Bayto River sa Purok 6, Brgy. Tubo-Tubo South, Sta. Cruz, Zambales.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., nakilala ang mga biktima na sina Bryan Ebuen, 19, at Kenneth, 17.
Base sa imbestigasyon, na-stuck sa Bayto River ang tricycle at tinulungan ni Kenneth na tumawid sa ilog.
Sa kanyang pagbalik, bigla itong tinangay ng malakas na agos.
Nang makita ang nangyari sa kapatid, sinubukan ni Bryan na iligtas ang nakababatang kapatid subalit pareho silang nalunod dahil sa malakas na agos.
Natagpuan na ang bangkay ni Bryan habang nagpapatuloy ang rescue at retrieval operation para mahanap si Kenneth.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

