Bulacan

Bulacan may bagong police chief

Bernard Galang Jun 28, 2025
392 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Nagsimula na bilang bagong hepe ng Bulacan Police Provincial Office noong Biyernes si P/Col. Angel Garcillano kapalit ni Col. Franklin Estoro.

Kasunod ng seremonya, isang simulation exercise (SIMEX) ang isinagawa sa bagong Bulacan PPO Command Center na nagpapakita ng kakayahan ng mga pulis sa koordinasyon at kahandaan sa pagtatanggol ng komunidad ng lalawigan.

Ang seremonya ay dinaluhan ng mga tauhan ng Bulacan police, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga partner stakeholders.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PRO-3 acting director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones ang mahalagang papel ng matatag na pamumuno.

“Ang paglipat ng pamumuno na ito ay isang patunay sa aming pangako sa maagap na pagpupulis,” ani Penones.

Pinuri niya si Estoro sa mabisang pangangasiwa at mga kontribusyon para sa kapayapaan at kaayusan ng lalawigan.