GOV. ARAGONES GOV. ARAGONES NANUMPA — Nanumpa ang bagong governor ng Laguna na si Marisol “Sol” Castillo Aragones-Sampelo sa Cultural Center, Capitol sa Sta. Cruz, Laguna kay Quezon Gov. Helen Tan noong Miyerkules. Ayon sa gobernadora ang kanyang pangunahing prayoridad na programa ay pangangalaga sa kalusugan, lalo na para sa mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens. Inihayag din niya ang kanyang mga plano na magtatag ng Akay ni Sol botika at isang mobile botika sa Laguna. Maglulunsad siya ng mobile app na tinatawag na Gob Sol app. Kuha ni JONJON REYES

Kalusugan, edukasyon, social services prayoridad ni Gov. Sol

Gil Aman Jul 3, 2025
615 Views

NANUMPA kay Quezon Gov. Helen Tan bilang pangalawang babaeng gobernador ng Laguna si Sol Aragones noong Miyerkules sa provincial capitol.

Kasunod nito, pinangunahan ni Aragones ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng lalawigan na si Bise Gob. JM Carait at mga bokal ng Sanggunian Panlalawigan.

Nagpasalamat siya sa lahat ng kanyang mga nakasama at sumuporta sa laban sa politika.

Kinilala din niya ang panunungkulan ng dating gobernador.

Inilunsad niya sa livestream ang Mobile Botika na nagbigay ng libreng konsulta at libreng gamot na ginanap sa Brgy. Canlalay, Biñan City; Brgy. Real, Calamba City; Brgy. 6A San Pablo City; at Brgy. Bubukal, Santa Cruz.

Naka-fokus sa health, education at social services, ang pagpapatuloy ng Iskolar ng Laguna, paglulunsad ng Gob. Sol App, Citizen Journalism on Tourism, Pilgrimage Tourism, pagpapayabong ng agrikultura at ang pagmamahal sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ang mga programa ng gobernador.

“Tapos na ang labanan, ang mahalaga ay magkakasama na tayo ngayon sa susunod na tatlong taon,” sabi ng opisyal.

Siniguro ni Gob. Aragones na ang tax ng taong-bayan ay mapupunta sa mga programa na nararapat para sa kabutihan ng mga Lagunense.

Bumati si Gob. Tan, Congresswoman Ann Matibag at Mayor Benjo Agarao ng Sta. Cruz sa naturang event.