Calendar
Iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones kina Provincial Administrator Jerry Pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon na alisin ang mga poste ng kuryente na nakausli at nakaharang sa mga kalsada sa kahabaan ng Los Baños. JONJON C. REYES
Aragones pinaalis nakaharang na poste sa Laguna
INIUTOS ni Laguna Gov. Sol Aragones noong Biyernes kina Provincial Administrator Jerry Pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon na alisin ang mga poste ng kuryente na nakaharang sa mga kalsada sa Los Baños upang maibsan ang daloy ng trapiko.
Katulong sina Jettison Tobias ng Meralco-San Pablo-Sta. Cruz Business Center, Lawrence Abueg, pinuno ng Calamba Business Center, Frederick Gomez, pinuno ng Sta. Rosa sector at mga kinatawan mula sa Department of Public Work and Highways sa pag-aayos sa mga poste sa kalsada.
Layunin ni Aragones na maging maaliwalas ang mga kalsadang sa daloy ng trapiko. Sinabi niya na ang mga nakausling poste ng kuryente ay maaaring maging sanhin ng aksidente.
Nabanggit din ni Aragones na isang buong lane rin ang magagamit ng mga motorista kapag naalis na ang mga harang sa kalsada.

