Rep. Oreta Nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta kay Sen. Bam Aquino. Kuha ni JONJON C. REYES

Rep. Oreta nanumpa kay Sen. Bam

Jon-jon Reyes Jul 5, 2025
333 Views

NANUMPA na bilang kinatawan ng Malabon City si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta para sa 20th Congress noong Hulyo 5 kay Sen. Bam Aquino.

Tiniyak ni Oreta na pag-iibayuhin niya ang pagbibigay ng serbisyo publiko at pagpapalago ng mga komunidad sa Malabon.

Bukod kay Aquino ay sinaksihan din ng mga kapamilya, kaibigan, tagasuporta at mga local officials ang panunumpa ni Oreta.

Maliban kay Oreta, nanumpa din sina Councilor Enzo Oreta and Councilor Sonia Lim na makakatulong ng kongresista sa paglilingkod para matiyak na maihatid ang tamang serbisyo para sa mga taga-Malabon at matiyak ang pagiging progresibo ng Malabon.

Bago nahalal na kongresista, napatunayan na ni Oreta ang paglilingkod matapos niyang matapos ang tatlong termino at ng mahalal bilang punong lungsod ng Malabon.

Sa ilalim ng kanyang liderato ay humakot ng iba’t-ibang mga parangal ang Malabon gaya ng Karinderya para sa Kalusugan ni Chikiting (KKC), isang community-based feeding at education program.

Nais isulong ni Oreta ang POGI Solutions, pagtitiyak na magkaroon ng legasiya at pagtutok sa Pagkain at Nutrisyon, Oportunidad, Ginhawa ng Pamilya, at Imprastraktura na siyang sesentro upang lalong itaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan.

“This new chapter is both a return and a renewal. I’m honored to once again serve Malabon; this time bringing our local voices to the national stage. We’ll continue working to ensure that every family feels the presence and compassion of government,” ani Oreta.

Sinisimulan ni Oreta ang kanyang unang termino bilang miyembro ng Kongreso sa pagbalangkas ng mga polisiya at panukalang batas na makatutulong sa pamumuhay ng taga-Malabon at sa mga Pilipino.