Nakaw Inihayag ni NBI Director Judge Jaime Santiago ang resulta ng entrapment sa Dagat-Dagatan, Caloocan City kung saan naaresto ang mag-asawa na nanakot gamit ang isang SIM na gumagamit ng pangalan na alyas Freddie na umano’y kaanib ng NPA. Kuha ni JONJON C. REYES

Mag-jowa timbog sa nakaw, kotong

Jon-jon Reyes Jul 7, 2025
354 Views

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang mag-asawa dahil sa kasong extortion, SIM fraud, money laundering at financing of terrorism sa Caloocan City.

Nakilala ang mag asawa na sina Christopher Capitulo at Maria Elena ng Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago nagmula ang kaso sa reklamo ng isang negosyante na nag-ulat sa NBI-OTCD na kinikikilan ng mag-asawa.

Nagpakilalang Ka Fredie na umano’y kaanib ng New People’s Army ang nangingikil.

Mula noong 2018, kinikikilan at humihingi ng taunang bayad para sa kanilang kaligtasan ang mga-asawa.

Ang mga pananakot ay ginawa sa pamamagitan ng mga tawag sa cellphone sa numero 0910-525-3340 at sinasabi rin na ideposito sa isang bank account ang pondong P2.6 milyon.

Na-trace ng NBI ang extortion number sa mga indibidwal na nauugnay kina Christopher at Maria Elena Capitulo.

Noong Hulyo 2 kasunod ng panibagong deposito ng complainant sa ilalim ng pangangasiwa ng NBI nagsagawa ng entrapment ang mga NBI agents.

Inamin ni Chris Capitulo ang kanyang papel sa pangingikil at isinuko ang kanyang cellphone na naglalaman ng SIM na ginamit sa pagpapadala ng mga pagbabanta.

Isinagawa ang imbentaryo ng mga bagay na nasamsam sa harap ng mga opisyal ng barangay.

Dinala ang mga suspek sa NBI-OTCD para sa booking at sumailalim sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong robbery, violation of section 11(d) of RA 11934 (SIM Registration Act) at violation of Section 4 of RA 1016.