PBA

‘Best and brightest’ sa PBA pararangalan

Robert Andaya Jun 20, 2022
384 Views

PARARANGALAN ng PBA Press Corps ang mga itinuturing na “best and the brightest” sa nakalipas na PBA Season 46 sa isang makulay na awarding ceremony sa Novotel Manila Araneta Center.

Napili ang San Miguel Corporation sports director at Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua bilang isa sa mga tampok na awardees sa awards night na magsisimula ng 7 p.m.

Si Chua ang tatanggap ng prestihiyosong Danny Floro Executive of the Year award matapos ang matagumpay na season, na kung saan nasungkit ng Gin Kings ang titulo ng import-flavored conference sa ika-apat na pagkakataon sa nakalipas na limang taon.

Ito ang ika-dalawang pagkakataon na mai-uuwi ni Chua ang pinakaaasam na award, na ipinangalan sa sikat na Crispa Redmanizers team manager at owner Danny Floro.

Si Chua, na unang nanalo ng award nung 2018, ay nakahanay na ngayon nina SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, First Pacific Company Ltd. managing director at chief executive officer Manny V. Pangilinan, current PBA chairman Ricky Vargas, Alaska team owner Wilfred Uytengsu, dating PBA commissioner Jun Bernardino at dating RFM team manager Elmer Yanga bilang two-time recipients ng naturang.award.

Naimbitahan naman si PBA legend at ngayon ay Bulakan, Bulacan mayor Vergel Meneses bilang special guest of honor.

Si Meneses, isa sa PBA’s “25 Greatest Players”, ay personal ding tatangap ng President’s Award.

Ang 53-year-old na si Meneses, na tinaguriang “Aerial Voyager” nung kanyang kapanahunan, ay unang napili para sa award sa virtual staging ng PBAPC awards nung nakalipas na taon.

Ang iba pang pararangalan ay sina Arwind Santos (Defensive Player of the Year), June Mar Fajardo (Comeback Player of the Year), Allein Maliksi (Quality Minutes), Mikey Williams (Scoring Champion), Joshua Munzon, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Williams, and Santi Santillan (All-Rookie Team), the quartet of Williams, Ian Sangalang, Robert Bolick, and Matthew Wright (Order of Merit) at ang mga teams na San Miguel at NorthPort (Game of the Season).

Gayunman, ang recipient ng coveted Virgilio “Baby” Dalupan Coach of the Year award ay hindi pa nai-aanunsyo.

Sina Chot Reyes ng TNT Tropang Giga at Tim Cone ng Barangay Ginebra ang pinagpipilian para sa nasabing award.