Shoplift

Walang trabaho buking sa CCTV na nagnenok sa mall, kalaboso

Jon-jon Reyes Jul 9, 2025
365 Views

DAHIL sa kuha ng CCTV footage, nabuking ang isang 47-anyos na lalaking walang trabaho na nagshoplift umano sa Isetan Mall sa Sta Cruz, Maynila

Nakilala ang suspek na si alyas Marlon, binata, residente sa Sto Cristo Brgy 1 sa Tondo Manila

Batay sa ulat ng isang sekyu ng mall, bandang 6:37 ng gabi nang mamataan ang kahina-hinalang kilos ng suspek na paikot-ikot sa loob ng Mall

Inimpormahan ang nagpapatrulyang security guard na nagresulta sa pagka- aresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang Hanabishi Portable Fan na nagkakahalaga ng P1,299, dalawang Ashley Styling Spray na may halagang P125, Silka Lotion, P65, papaya soap, P85.

Nakuha rin sa suspek ang LeFroge white T-Shirt na nagkakahalaga ng P450, iShallow Hair Solution, P45, Stylex Gel, P45, tatlong shorts panlalaki, P289, Bench Fix, P99, Casino alcohol, P40, automatic na payong,P189, tumbler, P269, at pink backpack. Ang lahat ng nakulimbat ay aabot sa halagang P P3,703.

Agad itinurnover ang suspek sa mga awtoridad ng Sta Cruz Police Station 3 ng MPD.