Calendar
Mungkahi ng TODA pinag-aaralan ni Mariño
BATANGAS CITY–Tiniyak ni Mayor Marvey Mariño na pag-aaralan niyang mabuti ang mga hiling at mungkahi ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na inilahad sa kanilang pulong noong Hulyo 9.
Kabilang sa mga tinalakay ng grupo ay mga isyung may kaugnayan sa kanilang ruta at operasyon.
Ayon kay Mayor Marvey, lahat ng hinaing at suhestyon ng grupon itinala at isasailalim sa masusing pag-aaral katuwang ang Committee on Transportation ng Sangguniang Panglungsod at ang Transportation Development and Regulatory Office (TDRO).
Dagdag pa niya, ikokonsidera rin sa pag-aaral ang mga umiiral na pambansang batas at patakaran upang makabuo ng desisyong makabubuti hindi lamang sa TODA kundi sa buong komunidad.
Hiniling ni Mayor Marvey ang pakikiisa ng TODA, lalo na sa pagsunod sa mga batas-trapiko at tamang paniningil ng pamasahe, upang maiwasan ang mga aksidente at aberya sa mga lansangan.

