PRO3

Biglaang drug test binulaga mga pulis ng PRO3

Bernard Galang Jul 11, 2025
315 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ang random drug testing sa mga pulis sa rehiyon.

Sinabi ni Penones na ang hakbang ay naaayon sa accountability at modernization pillar ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III at ipinapatupad nang walang exemption kahit ang mga matataas na opisyal ng kapulisan.

Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa mas malawak na kampanya ng PRO-3 na magtanim ng disiplina, magsulong ng transparency at matiyak na ang bawat pulis ay walang droga at ganap na nakatuon sa etikal na serbisyo.

Binigyang-diin ni Penones na ang patuloy na pagsubaybay at mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran laban sa droga ay pananatilihin sa lahat ng mga yunit upang mapanatiling malinis ang organisasyon.

“Ang internal cleansing ay dapat na pare-pareho at walang humpay. Doon lamang natin masasabi na tayo ay karapat-dapat sa pagtitiwala ng mga tao,” dagdag pa niya.