karera Bashierrou: Hindi mapigil.

Bashierrou naka-tutok sa Triple Crown

Ed Andaya Jun 22, 2022
325 Views

TWO down, one to go para kay Bashierrou.

Pinaigting pa ni Bashierrou ang kanyang ambisyon na tanghaling ika-13 Philippine Triple Crown cyampion matapos masungkit ang second jewel ng prestihiyosong karera sa Metro Manila Turf Club nitong nakalipas na weekend.

Nagtala si Bashierrou ng clocking ja 1:51 para sa 1800-meter distance at quarters na 14-23-24-23-27 laban kay Radio Bell.

Ang nasabing Rancho Sta. Rosa-owned offspring nina Brigand out of Allemeuse at pinatnubayan ni Ms. Melaine Habla ay agad nagpasiklab sa pagbubukas pa lamang ng gates upang tuluyang masungkit P2.1 million premyo.

Sabi ni Kelvin B. Abobo, na ngayon ay itinuturing na “genius rider ng local racing”: “Siyempre yung added 200 meters as compared sa first leg malaking diperensiya yun. Lalo na sa amin kasi sprinter kami. So, binago lang namin yung preparasiyon namin sa kanya.”

Sa tsansa na makumpleto ang Triple Crown, buo ang paniniwala ni Adobo na malaki ang kanilang pag-asa

“Masayang-masaya lahat kami. Alam naman po natin na maka-isang leg lang ay mahirap na. Pero ito kami at nakaka- dalawa na. Hopefully, makuha namin yung ikatlo.”

Kabilang sa top six finishers sina Jungkook, Brother Son, Gomezian and Enigma Uno.

Samantala, si Charm Campaign (Ultimate Goal out of Shadow of the Moon)
ni Mayor Benhur Abalos, ay nagwagi naman sa Hopeful Stakesksdama na ang premyong P900,000.

Ang bay filly, na sinakyan ni Jesse “Midas Touch” Guce, ay nagsimulang kumawala sa half-mile pole at tinapos ang 1800-meter race sa 1:53.4 (14-24-25-23′-27).

Siya ay may three lengths kalamangan kay Lauriatisimo.

“Nung nakita kong hindi ganun katulin yung pace ng karera at marami pa yung sakay ko kaya tinipid pa siya. ang kagandahan po nun, naipwesto ko ng maganda naging pwesto ko ng hindi nahihirapan yung kabayo ko,” pahayag ni Guce.

Nagtala naman ng surprise victory si Pharaoh’s Fairy sa 2022 3YO Locally Bred Stakes upang maangkin ang P600, 000 top prize.

“Pagdating sa derecho, nakuha ko na yung harap. Nung malapit na mag-meta at wala pang nakakalapit, sabi ko nanalo na,” paliwanag ni jockey Oneal Cortez

Ang beneficiary ng prize of the day para sa Hopeful Stakes ay ang Sto. Nino de Malolos Foundation Incorporated.

Sa 3YO Stakes, ang beneficiary ay ang PNPA Tagapaglingkod Class 87 Alumni Assocation.

“With one leg to go, everyone will be excited to see if Bashierrou will go all the way to become the next Triple Crown champion. That will happen come July at the Santa Ana Park in Naic over the lung-busting distance of 2000-meters,” pahayag ni Philracom chairman Reli de Leon.