pinays Pinays lusot sa Aussies sa AFF

Pinays lusot sa Aussies sa AFF

Theodore Jurado Jul 5, 2022
178 Views

PINAKAWALAN ni Sarina Bolden ang second-half strike upang iakay ang Philippines sa 1-0 tagumpay kontra sa Australia sa maulang simula sa AFF Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium kagabi.

Dumating ang ika-10 international goal ni Bolden sa 60th minute upang makuha ng World Cup-bound Filipinas ang unang tatlong puntos sa harapan ng 1,405 fans sa fabled venue.

Sa Biñan Football Stadium, kinuha ng Thailand ang maagang liderato sa Group A sa pamamagitan ng 4-0 paglampaso sa Indonesia.

Sa nanunang laro sa Malate pitch, naglaban ang Singapore at Malaysia sa goalless draw upang maghati ng puntos.

Lalarga ang aksiyon sa Group B sa Biñan Football Stadium ngayon, kung saan magkukrus ng landas ang Myanmar at Timor Leste sa alas-4 ng hapon, na susundan ng Cambodia-Laos match sa alas-7 ng gabi.

Naka-bye ang defending champion Vietnam , na maglalaro sa Huwebes laban sa Cambodia.