Cabotaje

2M dose ng Sputnik V ibibigay ng PH sa Myanmar

215 Views

MAGBIBIGAY ang Pilipinas ng 2 milyong dose ng Sputnik V COVID-19 vaccine sa Myanmar.

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje posibleng maipadala ang donasyon sa susunod na linggo o sa unang linggo ng Hulyo.

Nauna ng sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na nasa 3 milyong dose ang plano ng gobyerno na ibigay sa ibang bansa.

Hindi rin umano bibili ang gobyerno ng mga bagong bakuna maliban na lamang kung payagan na ang pagbabakuna sa mga bata na wala pang 5 taong gulang.

Mayroon pa umanong sapat na suplay ng bakuna hanggang sa katapusan ng taon at mayroon pang darating na donasyon mula sa COVAX facility.

Ayon sa NTF mahigit 70 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Patuloy naman ang pagbibigay ng booster shot upang hindi bumaba ang immunity ng mga nabakunahan na.