DOH

32 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 naitala sa bansa

142 Views

NADAGDAGAN ng 32 ang bilang ng mga nahawa ng Omicron subvariant BA.5.

Ayon sa Department of Health (DOH) umabot na sa 43 ang bilang ng mga nahawa ng naturang variant na mas nakahahawa kumpara sa iba COVID-19 variant.

Sa mga kaso, 21 ang naitala sa Western Visayas, tig-apat sa Region 4-A at National Capital Region, at tatlong sa Central Luzon.

Sa mga bagong kaso, 30 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 at isa ang partially vaccinated. Inaalam pa kung nabakunahan na ang isa pang kaso.

Nakaranas umano ng mild symptoms ang 22 bagong kaso at lima ang asymptomatic Inaalam pa ang nangyari sa dalawang iba pa.

Sa mga bagong kaso ay 16 ang magaling na at 14 ang kasalukuyang sumasailalim sa isolation. Ang dalawa pa ay inaalam ng DOH.