Isko Tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang 100 body cameras mula sa grupong Chinese para gamitin ng mga traffic enforcers. Nakamasid si Konsehal Awe Sia.

Yorme Isko: Mga kamoteng driver, kotong enforcer mabubuking na

Jon-jon Reyes Jul 13, 2025
286 Views

Body cam idinonate ng Canton Chamber of Commerce PH sa Maynila

NAG-donate ang 100 body cameras para sa mga traffic enforcers ng Manila ang Canton Chamber of Commerce Philippines sa pamumuno ni Kevin Lim, ang presidente ng grupo, sa tanggapan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Yorme, makikita na sa tulong ng body camera ang mga “kamote” driver, mga kotongerong enforcer, at sa kabilang banda, ang mga sumusunod na driver at mabubuting enforcer.

“Makakatulong din ito upang maiwasan ang mga pagtatalo tungkol sa mga traffic violation,” sabi ni Yorme.

“Unti-unti, lilinisin natin ang ating hanay. Kung tayo ay humihingi ng disiplina sa ating mga kababayan, dapat tayo rin ay maging disiplinado at unang magpakita ng magandang halimbawa,” dagdag pa ng alkalde.

Nagpasalamat si Yorme sa mga opisyal ng Canton Chamber of Commerce Philippines sa pangunguna nina Lim, Vice President Blues Chua, Vice President Leo Lai at mga miyembrong sina Wu Guang Tao, Zhang Jia Ming, Cai Fengrui, Weijia Li at Vincent Chan.