PNR

Biyahe ng PNR mula Laguna hanggang Lucena bubuksan na

175 Views

SA Hunyo 25 ay muli nang bibiyahe ang tren ng Philippine National Railway sa San Pablo, Laguna hanggang sa Lucena, Quezon.

Huling biyahe ang tren sa lugar noong Oktobre 2013 matapos na masira ang riles.

Ang pagbubukas ng San Pablo-Lucena line ay bahagi ng PNR expansion program. May haba itong 44 kilometro at dalawang main stations at apat na flag stops.

Nang pumasok ang Duterte administration noong 2016, ang PNR ay mayroon lamang 36 operating station at 93 kilometrong railway.

Sa pagbubukas ng San Pablo-Lucena line ay umabot na sa 52 ang operating stations nito at 154 kilometrong railway.

Ang San Pablo-Lucena line ay mahalaga para sa gagawing pagbabalik ng PNR Bicol o Bicol Express na mag-uugnay sa Metro Manila sa mga lalawigan sa Southern Luzon.