Nakaw Source: PNP

Sikyu, katropa tinira resto ng manok sa Norzagaray

386 Views

NINAKAWAN umano ng isang security guard at isang kasama noong Martes ang isang sangay ng restaurant ng manok sa Bgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

Sinabi ni Bulacan police director Col. Angel Garcillano na ang branch manager ng restaurant na si Arthur, 40, ng Balagtas, Bulacan, ang nag-report sa Norzagaray police tungkol sa nakawan.

Ayon sa pulisya, nakita na opening shift supervisor ng resto ang wasak na drive thru window at nawawala na ang P200,000 revolving cash fund.

Sa pagsusuri sa CCTV footage sa establisyimento, nakitang nakabantay ang security guard na naka-duty na kinilalang si alyas Mario habang ginagawa ng isa pang suspek ang krimen, dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang hindi pa nakikilalang kasabwat nito.