Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
QCPD

Binti na putol nakita sa creek

263 Views

MAY natagpuang putol na kanang binti ng tao sa gilid ng creek sa Brgy. Bagbag, Quezon City noong Miyerkules.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang putol na binti bandang alas-4:00 ng hapon sa creek sa bahagi ng Job St., Goodwill Homes 2 Subd., Brgy. Bagbag, Novaliches.

Ayon sa isang residente iniinspeksyon niya ang kanyang apartment sa tabi ng creek nang mapansin ang putol na binti kaya humingi siya ng saklolo sa mga pulis.

Base sa pagsisiyasat ng QCPD sa pangunguna ni PCpt. Rey Ebol, “surgically cut-off” ang binti na nangingitim na.