Vargas

Solusyon sa transport crisis isinulong

Mar Rodriguez Jun 27, 2022
348 Views

IGINIIT ngayon ng isang Metro Manila solon sa pamahalaan na bumalangkas ng mga hakbang at programa para tugunan at mahanapan ng solusyon ang lumulubhang krisis sa transportasyon na nakaka-apekto sa napakaraming commuters sa Metro Manila.

Binigyang diin ni Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas na hindi naman talaga nahanapan ng solusyon at natugunan ng gobyerno ang kakulangan ng “public transportation” sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ng kongresista na nagsimula ang nasabing problema sapul ng pahintulutan ng pamahalaan na makabiyahe ang mga bus at payagang din nitong magbukas ang iba’t-ibang business establishments. Kaya lalong maraming commuters ang walang masakyan.

“The shortage in public transport has not been effectively addressed ever since the national government allowed businesses and commercial establishments to resume full operations,” sabi nito.

Ipinaliwanag din ni Vargas na ang “shortage” sa transportasyon ay hindi lamang problema para sa mga commuters. Kundi maging sa mga may-ari ng iba’t-ibang negosyo. Kaya kailangan talagang magkaroon aniya ng solusyon sa lumalalang problema ng transportasyon.

“We have workers who have spent two years struggling to survive and businesses that barely stayed open. Now that the government has allowed businesses to resume operations, our workers struggle daily to get to work on time and then go through the same ordeal to get home to their families,” sabi pa ni Vargas.