Police Pinalitan ni Nueva Ecija cop chief Col. Heryl Bruno ang hepe ng pulisya sa Talavera, General Natividad, Pantabangan at 1st Provincial Mobile Force Company. Kuha ni Steve Gosuico

3 bayan sa NE may bagong chief of police

Steve A. Gosuico Jul 26, 2025
381 Views

CABANATUAN CITY–Itinalaga ni Nueva Ecija chief of police Col. Heryl Bruno ang apat na bagong chiefs of police sa lalawigan sa turnover na pinangunahan ni Lt. Col. Norman Cacho, Nueva Ecija deputy provincial director for administration, noong Biyernes.

Bagong hepe ng pulisya ng Talavera si Lt. Col. Rogelio Pacificar Jr. habang si Major Angelito Manalastas ang bagong police head sa General Natividad.

Si Major Wilson Kimmayong bagong hepe ng pulisya ng Pantabangan habang si Lt. Col. Robert Agustin itinalaga bilang bagong commander ng 1st Provincial Mobile Force Company.

“Ang tanging permanenteng bagay sa mundong ito ay pagbabago. Sa mga na-relieve na opisyal, hindi ito ang katapusan kundi isang redirection lamang. Manatiling nakatuon at alamin na ang iyong paglalakbay sa serbisyo ay nagpapatuloy,” sabi ni Lt. Col. Cacho.

Ang pinakahuling reshuffle nangyari 10 araw matapos i-appoint ni Bruno ang tatlong bagong pinuno ng pulisya sa Santa Rosa, San Isidro at Licab noong Hulyo 15.