Calendar
Driver tigok matapos trak sa puno sumalpok
PATAY ang isang driver noong Linggo at sugatan ang anim niyang pasahero nang ang sinasakyan nilang trak ay mabangga ang puno sa NLEX malapit sa Brgy. Acli sa Mexico, Pampanga.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Eugene Marcelo ang nasawi na si Robert Par, 48.
Nakilala ang lima sa anim na nasugatan na sina Jay Cortez Guinto, 31; Marvin Isedara; James Rio Florido, 20; Erick Santiago; at Joey Lope Par, 25.
Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng trak patungo sa NLEX malapit sa Mexico, Pampanga nang biglang nag-break ang driver para maiwasang mabangga ang mabagal na kotse sa harap.
Dahil sa impact, bumangga ang sasakyan sa isang puno sa gilid dahilan para mabaligtad ang sasakyan.
Nagtamo ng mga sugat ang mga biktima at isinugod sa Jose B. Lingad General Memorial Hospital sa San Fernando City ng mga rumespondeng miyembro ng Lifeline ambulance ng NLEX at SCTEX personnel kung saan idineklarang dead-on-arrival ang driver.

