Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
MMDA

MMDA, DBM sinuri solid waste ma facility sa Vitas Pumping Station

Edd Reyes Jul 30, 2025
188 Views

NAGSAGAWA ng pag-iinspeksiyon sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa Integrated Solid Waste Management Facility (ISWMF) upang suriin ang malaking pakinabang ng pasilidad Miyerkules ng umaga s Vitas Pumping Station sa Tondo, Manila.

Sinabi ni Atty. Artes na sinamahan niya si Pangandaman sa malaki nilang pasilidad upang masaksihan ng Kalihim ang aktuwal na pinaggagamitan nila ng pondo na inilalaan ng DBM sa MMDA.

“Taon-taon po ay lumalapit kasi sa DBM para magkaroon ng pondo ang aming mga proyekto. So, nag-submit kami ng accomplishment reports and mas maganda na maipakita namin sa Kalihim ang aktuwal na pinaggagamitan ng pondo na aming hinihiling,” pahayag ni Artes.

Sinabi naman ni Pangandaman na pinababantayan na ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga programa at proyekto tulad ng mga flood control projects, lalu na’t katatapos lang lumubog sa baha ang maraming lugar dulot ng habagat kaya kailangan nilang masuri kung sa tama ba napupunta ang inilalaan nilang budget sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“With this kind of project, mas maganda yata na ireplicate natin ito sa ibang lugar, kahit hanggang Mindanao siguro, o kahit sa area na madaling bahain,” sambit ng Kalihim bilang paghanga sa proyekto ng MMDA.

Humanga ang Kalihim sa proyekto dahil meron na aniyang sumasalo sa mga basura na ibinubukod ang napapakinabangan para gawing bricks, hollow blocks, solidong pang-harang at nakakatulong pa sa pagbibigay ng trabaho sa mga kababaihan at mga TUPAD workers.

“Ang maganda po rito sa MMDA nakikita natin kay Chairman Artes, very tangible yung mga proyekto. So maganda siya, siyempre pag magaling ang ahensiya kailangan nire-reward natin, ibig sabihin nagagamit niya yung budget niya ng tama kaya puwede pa natin siyang bigyan ng karagdagang budget,” ani Pangandaman.