Calendar
Ang dalawang suspek sa pagnenok ng kable habang pinapangaralan ni Yorme Isko Moreno. Kuha ni JONJON C. REYES
2 tirador ng kable sa Sampaloc nasakote
ARESTADO ang dalawang kalalakihan ng mga tauhan ng Manila Police District Sampaloc Station 4 (MPD-4) dahil umano sa pagnanakaw ng mga cable na pag-aari ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente madaling araw ng Lunes sa kahabaan ng Espana Boulevard kanto ng Antipolo Street sa Sampalc,Maynila.
Ang insidente ay agad na na ipinagbigay alam sa kinauukulan na nagkasa ng follow up operation.
Nadiskubre mula sa mga suspek ang 80 metrong royal copper wire at 2/3 royal cord na tinatayang aabot sa halagang P47,840.
Matapos arestuhin ay iniharap ang mga suspek kay Manila Mayor Isko Moreno kung saan sila ay pinangaralan.
Nauna nang nagbabala ang alkalde sa mga tolongges at mga kawatan sa Maynila na “sila ay aming hahanapin saan man sulok ng ating bansa at sila ay aming papanagutin sa batas.”

